Month: Pebrero 2026

NASA MGA KAMAY NG DIOS

Pagkatapos ng isa na namang karamdaman, natakot ako sa mga bagay na hindi ko kontrolado. Nakadagdag din ang isang artikulong nabasa ko sa magasin na Forbes. Ayon sa mga siyentipiko, bumibilis ang pag-ikot ng mundo. Dahil dito, maaaring kailanganing bawasan ng isang segundo ang pandaigdigang oras. Kahit na parang napakaliit lamang ng isang segundo, malaking bagay para sa akin ang…

PAGTANDA KO

Noong bata pa ako, inakala kong marurunong at hindi na nagkakamali ang mga nakatatanda. Nasa isip ko, “Lagi nilang alam ang dapat gawin. Balang araw, pagtanda ko, alam ko na rin ang lahat ng dapat kong gawin.” Sa aking pagtanda, natutunan kong maraming pagkakataon pa ring hindi ko alam ang gagawin. Kapag may sakit sa pamilya, problema sa trabaho, o…

MAGMAHAL TULAD NI JESUS

Mahal siya ng lahat. Iyan ang paglalarawan ng karamihan kay Guiseppe Berardelli na mula sa bayan ng Casnigo sa bansang Italy. Malimit na umiikot sa bayan si Guiseppe sakay ng lumang motorsiklo. Binabati niya ang lahat. Wala rin siyang kapagurang gumawa para sa ikabubuti ng iba. Sa kanyang mga huling araw, nagkasakit siya, na lumala pa dahil sa coronavirus. Namatay…

TUNAY NA PAGPAPAKUMBABA

Gaya ng karamihang guro, ginugugol ni Carrie ang marami niyang oras sa trabaho. Malimit inaabot siya ng gabi sa pagmamarka ng mga papel at pakikipag-usap sa mga estudyante at mga magulang. Para mapanatili ang kanyang lakas, sumasandal siya sa mga kapwa guro. Dahil sa kanilang pagdadamayan at pagtutulungan, gumagaan ang mahirap na trabaho. Nakita sa isang pag-aaral na mas mabuti…

DAHIL SA PAG-IBIG

Kolehiyo pa lang, magkasintahan na sina Laneeda at Jim. Nagpakasal sila at nagsama nang masaya. Pero kinalaunan, naging kakaiba ang kilos ni Laneeda. Madalas siyang maligaw at makalimot ng mga bagay. Sa edad na 47, napag-alamang may sakit na Alzheimer’s si Laneeda. Matapos ng 10 taong pangangalaga sa kanya, nasabi ni Jim, “Dahil sa sakit, nabigyan ako ng pagkakataong mahalin at…